MENU
Water desalination facility sa Iniwaran Island, San Pascual, Masbate, nakatakdang ipatayo ng PSTC Masbate

254685498 257633879731834 5593876754653835661 n254549058 257633933065162 9088818955413800432 n

November 12, 2021

Isang water desalination facility sa Iniwaran Island, San Pascual, Masbate ang nakatakdang ipatayo ng DOST Masbate katuwang ang LGU- San Pascual. Ito ay hatid tulong sa pamamagitan ng Community Empowerment Thru Science and Technology (CEST) na inaasam na ng mahigit 500 households ng isla na matagal ng nagtitiis dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig inumin.

Ang Memorandum of Agreement ay nilagdaan ng mga opisyal ng DOST Masbate, LGU- San Pascual, at Bgy. LGU- Iniwaran noong Nobyembre 11 sa Tourism Center ng San Pascual.

Ang karamihan ng mga tao sa isla ay nagtitiis inumin ang medyo maalat na tubig o kaya ay gumagastos ng malaki, mula 40 pa 70 pesos bawat container na binibili pa nila sa mainland San Pascual.

Ang desalination facility na may capacidad na 10 kubiko ay may layong maghatid ng 6 na kubiko ng inuming potable water sa mga taga Iniwaran na sapat sa kanilang pang araw araw na pangangailangan.

(PSTC Masbate)

256100935 257633983065157 5649459723508549746 n255895665 257634036398485 6734031947393162482 n254685147 257634093065146 4596309032438323280 n